San Lorenzo Ruiz 1 Dasmariñas City, Cavite

San Lorenzo Ruiz 1 Dasmariñas City, Cavite

Projects
























Ang mga nagawang pagbabago at maaasahan sa panunungkulan ni Punong Barangay REYNALDO S. DINERO ay ang mga sumusunod:

1.) Naipatupad ng maayos na walang kinikilingan ang kaayusan at katahimikan sa barangay na dating magulo at kinatatakutang barangay;




2.) Walang takot at nagawang makapagpakulong ng nakaupong Barangay Kagawad dahil sa masamang impluwensya sa kabataan at pagtanggal ng ilan sa mga Barangay Tanod na abusado sa panunungkulan; 




3.) Napalagyan ng permanenteng (47 poste na may amglobe) ilaw ang dating madilim na karsada;




4.) Napaayos at napasemento ang malaking bahagi ng "drainage canal" ng barangay;




5.) Nakabili at nagkaroon ang pamahalaang barangay mga kagamitan sa radio communications tulad ng mahigit dalawampu't limang (25) two-way hand held radio at dalawang (2) ICOM transmitter base radio ginagamit sa "peace and order" ng barangay;




6.) Nabilhan ng kagamitan ang barangay health center tulad ng 6 cu ft ng refrigerator ginagamit upang ma-preserve ang gamot, malaki at maliit na (weighing scale), wheel chair, sphegmomanometer at stethoscope;




7.) Nakapamahagi ng mga libreng gamot sa mga kabarangay;




8.) Nakabili ang pamahalaang barangay ng "fogging machine" gamit sa pagsugpo ng lamok;




9.) Nakapagsagawa ng maraming "medical mission" at libreng "Circumcission" (tuli) sa mga kabataan lalaki sa barangay;




10.) Madalas ng nagkakaroon ng "free feeding program" sa mga nagdaan taon at simula taong 2015 ay magkakaroon na ng "quarterly free feeding program" sa mga kabataan ng barangay;




11.) Nagkaroon ng "livelihood" ang mga kababaihan, Senior Citizen/Persons With Disability;




12.) Nakapagpatayo ng Reception Center;




13.) Nalagyan ng labing (11) steel gates ang mga eskinita;




14.) Napasemento ang mahabang iskinita na matagal nang napabayaan sa Cluster F malapit sa Aqua Reserva na ang pondong ginamit ay galing sa Tanggapan ni Cong. ELPIDIO "Pidi" F. BARZAGA, JR;




15.) Napaayos at na-"rubberized" ang covered basketball court sa Cluster E sa tulong ni Cong. ELPIDIO "Pidi" F. BARZAGA, JR. mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAP);




16.) Nakapagpagawa ng dalawang (2) jetmatic water pumps upang maigiban kapag nagkaroon ng mahabang brown out ng kuryente;




17.) Nagkaroon ng Cable Network ang television sa barangay hall upang mapanooran ng mga kabarangay kapag may mga mahahalagang "local and international events";




18.) Nakabili ang pamahalaang barangay ng malaking sound system upang magamit sa mga okasyon tulad ng barangay assembly at iba pa;




19.) Nakabili ang pamahalaang barangay ng dalawang (2) PhilCopy Xerox/Fax Machines isang black & white at colored na may scanner;




20.) Nagkaroon din ng Globe Landline Telephone at Website ang pamahalaang barangay dahil sa napakabitan ng INTERNET;




21.) Nagkaroon ng dalawang (2) patrol vehicles ang barangay;




22.) Nakapagpatayo ng Multi-Purpose Building galing tulong kay Gov. Juanito Victor "Jonvic" C. Remulla, Jr.;




23.) Nakabili ang pamahalaang barangay ng kagamitan tulad ng "office wood/steel cabinets, tables and chairs";




24.) Nagkaroon ng dalawang (2 units) ng KOPPEL Split Type Airconditioned nakakabit sa Tanggapan ng Punong Barangay at sa Session Hall;




25.) Ang Barangay San Lorenzo Ruiz I ang may pinakamagandang "session hall" ng Sangguniang Barangay sa buong Lungsod ng Dasmariñas;




26.) Laging pinasisigla bawat taon ang mga kabataan upang sumali sa mga "sports activities" at noong nakaraan taon Nobyembre 18, 2013 ay nagkampeon buong Lungsod ng Dasmariñas ang ating manlalaro sa katigorya ng mga "barangay officials basketball players" at tumanggap ng P20,000.00 bilang premyo;




27.) Nagkampeon din ang ating mga kabataang manlalaro sa tae kwando;




28.) Ang barangay San Lorenzo Ruiz I ay tumanggap ng parangal noong taong 2013 bilang "3rd Placer of Most Peaceful Barangay in the entire City of Dasmariñas;




29.) Ang Barangay San Lorenzo Ruiz I ang kaunaunahang barangay nakapag-organisa ng KIWANIS CHAPTER at nairehistro sa pangalan Kiwanis Club of Southeast Dasmariñas City - Key No. 17976. Ang founding President si HON. REYNALDO S. DINERO at ang  karamihan sa mga kasapi ay mga barangay officials;




30.) Naging aktibo ang mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa "national government";




31.) Sinusuportahan ng pamahalaang barangay ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Dasmarinas ang "livelihood training" ng mga out-of-school youth at marami na ang nagtapos at nagkaroon ng trabaho;




32.) Suportado ng Pamahalaang Barangay ang Alternative Learning System (ALS) at Abot Alam kaya naman marami na ang nakapagtapos ng pag-aaral matanda man o bata ay nahikayat na mag-aral;




33.) Pinanindigan at nanatiling walang humpay at wala ring kahalintulad ang haba ng oras ng serbisyong publiko kahit "holiday" ay pumapasok at naglilingkod sa barangay;




34.) Laging aktibo ang mga Block Leaders ng barangay upang panatilihing malinis ang kapaligiran ng barangay lalo na sa tabing ilat at kanal;




35.) Nakapagtanim ang pamahalaang barangay ng puno ng saging, kalamansi, chico at mangga at ngayo'y namumunga na nagiging "symbolic function" o palatandaan ng patuloy na serbisyo sa mamamayan; 




36.) Marami na ring natulungan si Kapitan REYNALDO S. DINERO pagdating sa "legal aspect/viewpoint" dahil sa malawak na pakikisama at karanasan sa paglilingkod sa publiko dahil dati siyang sundalo ng Philippine Army, naging kasapi at retirado ng Philippine National Police, nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts major in Economics at Bachelor of Laws, nag-aral (18 units) din ng Master of Arts major in Public Administration and Supervision, at nagretiro bilang Summary Hearing Officer ng PNP-Internal Affairs Service; 




37.) Naging panatag na ang kalooban ng mga nakararaming taong naninirahan at mga nahikayat na manirahan at magnegosyo sa barangay dahil sa maayos na patakaran maliban sa mga taong taliwas ang paniniwala dahil lamang sa pulitika alinsunod sa kawikaan na "we can't pleased everybody";




38.) Ang pamunuan ng barangay ay laging nagpapaalaala sa mga mamamayan tuwing may pagtitipon at Barangay Assembly na huwag i-sentro ang paniniwala sa mga taong namumuno na malulunasan ang kahirapan bagkus ituon ang pananampalataya sa POONG MAYKAPAL at ito'y naitala sa Banal na Kasulatan sa Mga Awit 146: 3 & 4; "Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kanyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kanyang pag-iisip";




39.) Maasahan po ng mamamayan ang kasalukuyang Punong Barangay ay maglilingkod hindi upang paglingkuran at magpayaman dahil naniniwalang hindi madadala sa kabilang buhay ang ating naipon at hindi rin iyan ang magliligtas sa atin. Hindi ginamit ng Punong Barangay ang kanyang katungkulang upang mang-agaw ng lote. Sa katunayan noong hindi pa siya Kapitan ay pinasaulian niya ang ginastos sa pagpapatayo ng bahay nang nagkamali ang dating nakaupong Kapitan Rufino M. Hermosa, Sr. (December 1994) na inirekomendang tayuan ng bahay sa pag-aakala niya abandonadong lote ang Block E-1, Lot 18. Nang lumitaw ang nag-mamay-ari na si Joseph Dimapilis Bautista na isa nang American Citizen at nagpakita ng titulo ng lupa ay agad linisan ang nasabing bahay (1999) matapos ang kasunduan kahit na malaki ang tsansa manalo sa Hukuman dahil hindi kwalipikado mapagkalooban ang isang "American Citizen" ng lote ng NHA. Ginawa ito upang maging bukas na aklat sa kasaysayan ng Barangay San Lorenzo Ruiz I;   


40.) Ang inyong lingkod ay dating "1983 baptized" ng JEHOVAH'S WITNESSES kaya may pagkilala at takot sa PANGINOON bagama't itiniwalag dahil mahigpit ipinagbabawal sa pananampalataya ang pumasok sa pulis at sa pulitika. Kaya naman alam niya ang panunungkulan sa barangay ay panandalian lamang at ang higit sa lahat ang hinihintay natin ang tunay na KAHARIAN NG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT na sana'y dumating na ng walang maghihirap, walang gutom, walang sakit, walang kamatayan at wala ng luluha pa; at

41.) Pinagsisikapan natin sa abot ng ating makakaya na makamtan at maiguhit sa kasaysayan ang pagbabago upang maging handog at pamana sa susunod na mga generasyon. Ang inyong Punong Barangay ay walang bisyo at walang pinagkakaabalahan maliban ang buong pusong dedikasyon sa tungkulin at sa tuwina’y paiiralin ang FAIRNESS, TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento